25 taon na ang nakalipas, tunay naman na ang isa sa mga pinaka-ginagamit na code sa pag-unlad ng web ay nalikha. Ang paglitaw ng internet ay nakapagsulong sa JavaScript na kailanman ay hindi nasabing mangyayari. Mula sa kanyang paglabas, hindi lamang ipinagtibay ng JavaScript ang kanyang puwesto bilang isang napakalakas na wika sa programming ngunit nakuha rin nito ang mga bagong larangan sa modernong pag-unlad ng web.
Inspirado ng Scheme, Java and Self, ang Javascript ay binuo noong 1995 ni Brendan Eich noong siya ay nagtrabaho sa Netscape Communications. Noong 1990s, ang Netscape Communicatiosn ay nagtamasa ng mahalagang presensya sa Internet dala ng kanyang browser – Ang Netscape Navigator – na kilala sa tawag na Mosaic browser, ang kauna-unahang mainstream web browser.
Ang Netscape Communications ay kapwa itinatag ni Marc Andreesen, na bahagi ng isang koponan ng mga developer sa Unibersidad ng Illinois na siyang trumabaho sa proyekto ng Mosaic browser noong 1993. Habang nagkakamit ng popularidad ang web, ang mga kumpanya ng teknolohiya naman ay nag-uunahan na buuin ang pinakamahusay na browser sa Internet.
Nakauna ang Microsoft dito at pinasimulan ang proyekto na Internet Explorer sa pagsusumikap na maagaw ang kontrol ng Internet mula sa Netscape. Nagmitsa ito nang matinding labanan sa browser sa pagitan ng Microsoft at Netscape sa pagkamit ng paghahari sa malaking bahagi ng merkado ng browser.
Sa panahong ‘yon, ang mga developer ng web ay nag-aasam para sa isang wika ng scripting na makalilikha o makapagdadagdag ng mga dinamikong tampok sa mga pahinga ng web. Sa simula, kanilang itinuon ang kanilang pansin sa Java ngunit kalaunan ay napagtanto na ang isang mas may kakayahang umayon ang siyang kailangan para mapaghusay ang mga karanasan ng user.
Nagpagtanto ito ng Netscape at naisip ang isang magaang wika ng scripting na magpapahintulot sa mga developer ng web na magdagdag ng mga inter-aktibong tampok sa mga pahina ng web. Ang oras ay nasa kahalagahan noon, at ito ang panahon na ang ama ng JavaScript ay pumasok sa eksena.
Noong 1995, si Brendan Eich ay kinontrata ng Netscape para lumikha at magpatupad ng isang dinamikong wika para sa pagpapalabas ng kanilang Netscape Navigator 2.0 browser. Ang proyektong ito ay dumating bilang mabilisang trabaho kay Eich. Gayunpaman, nakita niya ito bilang isang oportunidad na trabahuin ang isang bagay na marubdob niyang pinapangarap at siya’y nakipagtambalan sa Netscape. Kaya’t ang ideya ng isang magaang gamitin na wika ng scripting ay ipinanganak. Pinangalan ni Eich ito na Mocha ngunit sa kalaunan ay ginawang Live Script ang pangalan. Sa mas maikli pa sa 10 araw, isang gumaganang prototype ang binuo ni Eich at handa nang isakatuparan sa Net Navigator 2.0 Beta browser.
Sa pagpupunyaging mapanatili ang kanyang paghahari sa pag-aangkin sa merkado ng browser, pumayag na makisosyo ang Netscape sa Sun Microsystems – ang tagapagbuo ng wika ng programming na pinangalanang Java. Ang alyansang ito ay nangangahulugan na ipinagtibay ng Sun Microsystems ang paggamit ng Netscape Navigator bilang isang platapormang maghahatid ng web nang sa gayon ay magamit ang Java sa Komunidad ng Java.
Noong 1996, halos isang taon ang nakalipas, sa huli, ang Live Script ay pinangalanang JavaScript bilang isang estratehiya sa marketing upang magkamit ng pagtanggap sa komunidad ng Java. Itinanghal ang JavaScript bilang isang wika ng scripting na para sa mga maliliit na proyekto sa panig ng kliyente sa Netscape Navigator 2.0 browser, habang ang Java ay itinaguyod bilang isang pangdalubhasang kasangkapan para bumuo ng kahanga-hangang mga solusyon ng web.
Kasunod nito, ang pasaliwang binalangkas (reverse-engineered) na JavaScript ng Microsoft ay bumuo ng isang pasadyang bersyon para sa kanilang Internet Explorer 3. Pinangalanan itong Jscript para maiwasan ang mga legal na isyu sa Sun Microsystems, na siyang nagmamay-ari ng Java Brand at pinalisensyahan ito para sa Netscape.
Malinis, bumabagay at madaling maakses para sa mga hindi developer, ang JavaScript (at Jscript) ay kagulat-gulat na popular, ginagawang mas inter-aktibo ang mga pahina ng web pati na rin ang pagiging dinamiko.
Sa kasamaang palad, kapwa silang nagsimulang umani ng negatibong reputasyon dahil sa madaling hadlang sa pagpasok, nangangahulugan na makapagsusulat ang mga tao ng code snippets nang may katiting o walang kaalaman kung ano ang kanilang ginagawa. Bukod pa rito, ang JavaScript ay madalas na ginagamit para bugnutin ang mga tao (pop-up ads, paniniktik sa browser, atbp.) kaysa sa paghusayin ang kanilang karanasan.
Isang malaking pagtugon para sagutin ang isyung it ay nanggaling sa anyo ng ECMA standardization. Nagsumite ng dokumentasyon ang Netscape at Sun Microsystems para isunod sa pamantayan ang JavaScript gamit ang ECMA international, na siyang mag-hohost ng pamantayan. Ang pag-iistandardize o pagsunod sa pamantayan ay isang makabuluhang hakbang at dakilang paghahangad para sa isang bagong wika.
Ito ang nagbukas sa JavaScript sa mas malaking madla at nagpahintulot sa mga developer na magkaroon ng ambag sa ebolusyon sa wika ng scripting. Ang pagsunod sa pamantayan o “standardization” ay nagsilbi ring layunin para manatiling nababantayan ang mga taong ginagamit ang code para sa mga negatibong dahilan. Para maiwasan ang panghihimasok sa Java trademark ng Sun, ang komite ng ECMA ay nagpasyang pangalanan ng ECMAScript ang wikang ginawang pamantayan.
Nagsanhi ito nang higit pang hindi pagkakaunawaan, ngunit sa huli ang ECMASript ay ginamit upang tumukoy sa espesipikasyon, at ang JavaScript ay ginamit (at nananatiling ginagamit) para tumukoy sa wika ng scripting sa panahon ngayon.